Agad na binigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Northern Kabuntalan ang nasa 1,315 na apektadong pamilya na kasalukuyang nakabakwit matapos manalasa ang tubig baha sa ibat ibang parte ng bayan dahil kay Typhoon Bebingca.
Ayon kay Northern Kabuntalan MDRMMO Chief Engr. Macapagal Kalis, mandato aniya ito ni Mayor Datu Ramil Dilangalen kung saan tulong tulong na ang MDRMMO at iba pang local officials upang magforce evacuate sa mga residenteng sinalanta ng baha.
Una umanong nakaranas ng flashflood ang Barangay Gayonga at Damatog ngunit sa kasalukuyan ay lubog na rin ang kapwa river at road side ng 11 na mga barangay mula sa nabanggit na bayan.
Sa kabila nito, patuloy ang kanilang pagsisikap at pagmomonitor sa mga residenteng magpasahanggang ngayon ay nananatili pa ring bakwit.
May mga tagapangalaga na ng kalusugan aniya na dineploy upang magbigay suri sa mga residenteng nagkakasakit kabilang na rin ang pagbibigay ng kaukulang gamot.