Nakipagpulong si Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua kay Governor Datu Ali Midtimbang at sa mga lokal na lider sa bayan ng Paglat upang higit pang patatagin ang ugnayan ng Bangsamoro Government at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

Sa kanilang dayalogo, tinalakay ang iba’t ibang inisyatiba para sa kapayapaan, kabuhayan, at kaunlaran ng mga komunidad—mga adhikaing nakaugat sa prinsipyo ng Moral Governance.

Kasama rin sa kanyang pagbisita ang pakikiisa sa sambayang sa masjid ng Paglat, isang makahulugang paalala na ang tunay na lakas ng pamahalaan ay nagmumula sa pananampalataya, pagkakaisa, at taos-pusong paglilingkod sa mamamayan.

Muling tiniyak ng Punong Ministro ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan at maisulong ang pangmatagalang pag-unlad tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro.

Photo credits to Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua