Labis ang pagpapasalamat ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa daan libong katao, mga miyembro at mga taga-suporta nito na dumalo sa huling Assembly ng nasabing partido sa Sulu partikular na sa Notre Dame of Jolo College (NDJC) kamakalawa.
Pinasalamatan rin ng partido ang mga sumuporta, tumulong at nagtiwala na kasalukuyan at mga dati nang opisyales sa rehiyon at probinsya ng Sulu lalo na ang Partido Federal ng Pilipinas o PFP na nanindigan at naghayag suporta nito para sa partido.
Ayon sa partido, kaisa sila ng mga taga Sulu upang ilaban ang inklusibo, patas at tapat na pagseserbisyo para sa lahat ng Bangsamoro at ang pagputol ng inhustisya at opresyon sa rehiyon.
Binati rin nito ang UBJP Sulu Chapter sa matagumpay at matiwasay na pagoorganisa ng nasabing asembliya.
Ayon pa sa Partido, tumatanggap sila ng kritisismo sapagkat ito ang kanilang tatayuan upang magkaroon ng maturity ang partido bukod sa ito ay guiding principle o giya ng partido upang makagawa at gumawa ng makabuluhang mga programa at serbisyo sa mga Bangsamoro.
Dagdag pa ng UBJP, di pa natatapos dito ang alyansa ng partido sa mga mamamayan ng Sulu bagkus naguumpisa pa lamang ito at palaki pa ng palaki.