Kinundena ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang brutal na pagpatay sa kanilang kaalyado at Deputy Municipal Executive Officer at konsehal ng bayan ng Buluan na si Mohammad Alamada alyas Katumbok na sya ring MILF Political Committee Chairman sa Buluan.

Sa kalatas na inilabas ng UBJP sinabi nito na kinukundena nila ang naturang pagpatay sa isang mahusay na lingkod bayan at ito ay nagpapakita ng malinaw na paglabag sa mga prinsipyo ng Bangsamoro.

Nagbigay naman ng pakikiramay ang UBJP sa mga naulila at mahal sa buhay ni Alamada at sinabi nito na committed ang partido na isabuhay ang alaala nito sa pamamagitan ng pagbibigay pagpapahalaga sa mapayapa at inklusibong sosiedad ng Bangsamoro.