Kinundena ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang marahas at walang awa na pag-atake sa mga party workers nito habang nagsasagawa ng COC Filing Caravan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na nagresulta ng pinsala sa mga miyembro, supporters maging pagbubuwis buhay at pagkasugat ng mga sibilyan.
Ayon sa UBJP ang naganap na karahasan sa nasabing bayan ay malaking insulto sa Bangsamoro at isang pagyurak sa mga pinahahalagahang prinsipyo ng kapayapaan, dignidad ng tao maging demokrasya na itinataguyod ng partido.
Dahil dito, mariing tumututol ang partido sa lahat ng uri ng karahasan, pananakot at pang-gigipit at tinatawagan naman nito ang mga otoridad na siyasating mabuti ang bagay na ito sa lalong madaling panahon.