Ikinalungkot ng UBJP o ng United Bangsamoro Justice Party ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema na naghihiwalay ng Probinsya ng Sulu sa Bangsamoro Region.

Sa naging pulong balitaan kahapon ni United Bangsamoro Justice Party Info Officer Engr. Mohajirin Ali, nashocked sa naging desisyon ang pamunuan ng partido.

Bago pa man kasi naganap ang nakawiwindang na desisyon ng kataas taasang hukuman ay nagkaroon na ng pirmahan ng MOU sa pagitan ng BARMM Government at Sulu Provincial Government para sa itatayong airport sa lugar.

Pahayag pa nito, hindi maikakailang kabilang ang Sulu sa naging Struggle o pakikibaka ng Bangsamoro sa loob ng mahabang panahon. Kabilang na rito ang ilang mga lider na nakipagpatayan at lumaban sa pamahalaan na nagmula sa Sulu.