Kilalang balwarte ng ibang partido ang lalawigan ng Sulu pero di ito naging balakid o hadlang sa mga tagasuporta at mga kasapi ng partidong United Bangsamoro Justice Party o UBJP na dumalo sa pinakahuling Provincial Assembly ng partido sa compound ng Notre Dame of Jolo College o NDJC sa lalawigan ng Sulu ngayong linggo.

Dumalo sa pagtitipon kasama ng humigit kumulang na 50k katao at mga miyembro ang pangulo ng UBJP na si CM Ahod Ebrahim, VP for Central Mindanao Mohagher Iqbal, Sec Gen Sammy Gambar Macacua maging si Health Minister Jojo Sinoliding at marami pang iba.

Ito na ang huling asembliya ng partido sa rehiyon bago ang paglulunsad ng mga nominado nito sa buwan ng Agosto para sa Halalang Parliamentaryo sa susunod na taong 2025.