Matagumpay na naidaos ng UBJP o ng United Bangsamoro Justice Party ang kumbensyon ng partido kamakalawa, Oktubre 28.
Ginawa ang naturang kumbensyon para opisyal na maihalal ang apatnapung nominado ng partido at maiproklama ang mga representante ng distrito ng partido para sa ibat ibang distrito ng mga lalawigan sa rehiyon.
Nanguna naman sa kumbensyon si UBJP President Alhaj Murad Ebrahim na siyang naging presiding official habang sinaksihan naman ng mga tagaobserba mula sa COMELEC ang proseso ng kumbensyon kung saan inihalal ang mga nominado ng UBJP.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay maituturing bilang party commitment na mandatory activities na nakasaad sa BEC o Bangsamoro Electoral Code.
Inaasahan na ilalabas na ng UBJP ang talaan ng mga nominado sa pagka district representatives nito pagkatapos ang COC filing sa Nobyembre 4 hanggang 9.