Rido o girian ng pamilya ang isa sa mga motibo na tinitignan ng kapulisan sa pagbaril patay sa isang negosyante ng ukay ukay sa lungsod ng Koronadal.
Kinilala ng City PNP ang biktima na si Mohammad Usman Najib, 27, may asawa at nakatira sa bayan ng Baloi, Lanao del Norte.
Ayon sa imbestigasyon, binaril si Najib ng mga riding in tandem suspects habang nakatayo ito sa labas ng kanyang pwesto sa Upper Osmeña Street.
Dead on arrival sa ospital ang nasabing si Najib at agad naman na dinala sa Lanao del Norte upang doon na mailibing.
Sa ngayon, tinutunton na ng kapulisan ang mga salarin na tumakas matapos ang insidente.