Arestado ng City PNP Station 1 at Marine Battalion Landing Team 5 ang dalawang indibidwal na umano’y nangingikil sa mga delivery trucks ng KCC Mall Cotabato.
Ayon sa mall staff, nagkagulo sa receiving area matapos magpilit ang ilang hindi empleyado na sila ang mag-unload ng mga produkto kapalit ng bayad isang bagay na tinutulan ng mall management na may sariling workers para rito bilang paghahanda sa pagbubukas ngayong Abril.
Nang bumalik ang mga suspek at hindi pinagbigyan, nagbanta pa umano sila sa mga staff.
Umaga nitong linggo, naaktuhan ng Marines ang dalawang suspek kaya agad silang inaresto at isinuko sa PNP.
Kinilala ang mga ito bilang alyas “Bodjack” at “Tuting”, aprehon 49 anyos at dati nang nakulong sa kasong droga.
Umabot umano sa P44,000 ang nakotong ng grupo mula sa pitong delivery trucks.
Patuloy ang paghahanap sa iba pa nilang kasamahan.