Matagumpay na naidaos ang Serbisyo at Malasakit Caravan para sa mga may problema sa katarata o pterygium sa kanilang mga Mata.
Ang mga benepisyaryo sa unang batch ay nanggaling sa Bentangan sa bayan ng Carmen at ito ay may kaugnayan sa IP Month. Isinagawa ang naturang caravan sa Deseret Ambulatory and Referral Center.
Ang nasabing caravan ay sa initiatiba ni Cotabato Congresswoman Sam Taliño Santos kasama ang Deseret Surgimed Hospital at Philhealth.