Cashless na ang bayaran sa palengke at traysikel sa bayan ng Parang.
Ito’y matapos maging kauna-unahang lokal na pamahalaan sa Bangsamoro region na magpatupad ng Paleng-QR Ph Plus Program—isang proyekto ng Bangko Sentral ng Pilipinas at DILG para isulong ang digital payment system gamit ang national QR code.
Pinangunahan nina BARMM Acting Senior Minister Abdullah Cusain, BSP Cotabato Branch Acting Area Director Dr. Gregorio Baccay III, at Parang Mayor Cahar Ibay ang makasaysayang paglulunsad.
Aabot sa 300 market vendors, 150 business owners, at 1,000 tricycle drivers ang inaasahang gagamit ng cashless system sa kanilang mga transaksyon.
Ayon kay Minister Cusain, “Patunay ito na ang progreso, hindi lumalampas sa Bangsamoro — tayo ay umaangat at sumasabay sa modernong panahon.”
Pinasalamatan naman ni Mayor Ibay ang BSP sa pagtulong para sa mas mabilis at mas ligtas na serbisyo sa mga mamamayan ng Parang.
Layunin ng programang ito na palawakin ang digital infrastructure at palakasin ang e-governance sa ilalim ng 12-Point Priority Agenda ng Bangsamoro Government.
May ilang mga vendor ang bukas sa pagbabago, gaya ni Aling Fatima Ali na nagsabing, “Okay lang po sa akin ang online payment, basta may internet at cellphone.”

















