Unang araw pa lamang kahapon ng pagsusumite ng mga Certificates of Candidacy sa mga tatakbo sa ibat ibang posisyon sa lungsod ng Cotabato ngunit kakaiba ang naging atmospera nito ng may isang babaeng nangahas upang subukin ang magulo na mundo ng pulitika sa lungsod.

Ito ay si Bai Lorna Ayunan Ebrahim na unang naghain ng kanyang kandidatura bilang indipindyente na konsehal ngunit ito ay nakalinya sa Tingog Partylist.

Sinumite nito ang kanyang paghahangad sa pagiging Konsehal sa Shariff Kabunsuan Cultural Center sa Bangsamoro Government Center kung saan si City Election Officer Atty. Norpaisa Manduyog ang nagrecieve ng kanyang mga papel.

Matapos ang naging pagfile ni Ebrahim, wala nang sumunod dito hanggang sa magsara na ang unang araw ng Filing Day.