Peaceful and orderly. Ito ang naging obserbasyon ng kapulisan sa itinakbo ng Undas 2024 na sinimulan noong Oktubre 31 at nagtapos noong Nobyembre 2 sa apat na mga camposanto o mga pook libingan sa lungsod ng Cotabato.
Ayon kay City PNP OIC PCol. Michael Mangahis, nasunod ang mga regulasyones na ipinatupad ng autoridad sa ating mga kababayang pumasyal sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Dagdag ni Mangahis, apat na libingan na kinabibilangan ng dalawang pampubliko, isang chinese at isang pangkatolikong sementeryo ang binantayan ng mga pwersang pinagsama sa naturang okasyon.
Wala namang naitalang kaguluhan maging mga untoward incidents sa naging paggunita sa Undas ng lungsod.