Mainit na tinatalakay ngayon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang bagong Bangsamoro Autonomy Act No. 77 (BAA 77) na pinirmahan ni Chief Minister Abdulraof Macacua. Ang nasabing batas ay naglalayong baguhin ang komposisyon ng mga distrito sa Bangsamoro Parliament upang masiguro ang patas na representasyon ng mga mamamayan.

Ayon kay Atty. Naguib Sinarimbo, miyembro ng Bangsamoro Parliament, inaayos ng BAA 77 ang pagkakahati ng 32 parliamentary districts sa rehiyon. Sa ilalim nito, ang alokasyon ay magiging: 9 na distrito para sa Lanao del Sur, 5 bawat isa para sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, 4 para sa Basilan, 4 para sa Tawi-Tawi, 3 para sa Cotabato City, at 2 para sa Special Geographic Area (SGA).

Ipinaliwanag ni Sinarimbo na layunin ng batas na tiyakin ang mas makatarungang representasyon ng bawat lalawigan at lungsod sa Bangsamoro Parliament

Gayunpaman, nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa maipapatupad ang bagong apportionment sa nalalapit na 2025 elections. Dahil sa kakulangan sa oras para sa paghahanda, gagamitin pa rin ang dating sistema ng paghahati ng distrito bilang basehan para sa botohan

Sa kabila nito, inaasahang magiging sentro ng mga talakayan sa kampanya ang isyu ng representasyon—at kung paano masisiguro na maririnig ang tinig ng bawat komunidad sa Bangsamoro Parliament sa mga darating na halalan