Pinabulaanan ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang mga alegasyon na edited ang larawang ipinost ni First Lady Liza Marcos.
Ayon kay Usec. Castro, ang mga kumakalat na pekeng balita ay mula sa mga indibidwal na walang sapat na kaalaman sa naturang pagpupulong ngunit nagpapanggap na eksperto.
Hamon pa niya sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon na maglabas ng konkretong ebidensya upang patunayan ang kanilang akusasyon.
Nanindigan ang opisyal na walang manipulasyong ginawa sa larawan at iginiit na dapat pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang isyu sa halip na pagdudahan ang lehitimong impormasyon mula sa pamahalaan.