Mismong si Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao ang isinagawang Ribbon Cutting para sa pagbubukas ng Ustadz Salamat Hashim Hall sa Peoples Palace Cotabato City ngayong araw, July 2, 2024.

Kasama nito ang anak ni Late MILF Founding Chairman Salamat Hashim na si MP Abdullah Hashim at si BYC Commissioner Nash Dunding.

Ayon sa Alkalde,ang Ustadz Salamat Hashim Hall ay ang magsisilbing Guest Lounge ng LGU para sa mga delegado at mga bisita.

Dagdag pa ni Mayor Matabalao na napili nito na ipangalan ito kay Late MILF Founding Chairman Salamat Hashim upang magbigay pugay at pasasalamat sa sakripisyong nagawa na naging daan upang makamit ang Bangsamoro ang natatamasang kalayaan at kaunlaran sa ngayon.