Very libelous at disrespeto sa tao na itinuturing na Alter Ego ng pangulo ang dating ng mga patutsada ng mga Mangudadatu kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo.
Ito ang tahasang sinabi sa ginawang paglilinaw ng mga lider sa Maguindanao del Sur ng dating Maguindanao Governor at Congressman na si Esmael Toto Mangudadatu.
Ito ay sa kabila ng mga naging patutsada nina Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam, former TESDA Secretary Datu Teng at Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu kay Lagdameo na di umano ay linta at namamakialam sa pulitika ng rehiyon.
Sinabi rin ng tatlo na tinatakot daw di umano ng nasabing SAP ni PBBM ang mga alkalde sa BARMM upang umanib sa Partido Federal na kung saan ay EVP si Lagdameo.
Ani Toto, kung mayroon man aniyang konkreto na ebidensya ang tatlo laban kay Lagdameo ay dapat nila itong ilabas sa publiko. Dinagdag pa ng dating mambabatas na ipinarating lang nito bilang SAP ni PBBM ang mga proyekto at mga programa ng nasyonal para sa rehiyon.
Sa kanyang parte ay wala diumano itong narinig o nakitang intimidasyon, pananakot o panghaharass ng naturang kalihim at pinabulaanan nito ang isa pang paratang na di sya nakikipagkuntsabahan o sumisipsip kay SAP Lagdameo.
Hinamon din ng dating mambabatas ang mga ito na dumadakdak laban kay Lagdameo na kung ito man ay nagdaramdam sa naging paglipat ng kanilang partido ay wag sana silang magalit at dumaldal sabay hirit nito na kapag iniwan na ay dapat nang ipaubaya kay Allah ang kanilang ginawa.