Ipinagdiwang ng Diocesan Clergy of Cotabato o DCC ang kapistahan ni St. John Mary Vianney noong Agosto 5.
Nabalot ng matinding kalungkutan at pamimighati ang naturang kapistahan sa naging pagyao ni Msgr. Antonio Pueyo, gabi bago ang kapistahan at bilang pagrespeto sa namayapang pari at para na rin sa pagluluksa, kanilang isinagawa ang selebrasyon ng mataimtim.
Sa gitna ng pagluluksa, marami pa ring pari ang naki-isa sa mga aktibidad ng simbahan kabilang na ang lawn tennis tournament na ginanap sa NDAS Basketball Court.
Pinangunahan ang Santos na Misa ni Archbishop Angelito Lampon, OMI, DD na arsobispo ng Arkeodesis ng Cotabato at sa naging sermon nito, ipinagmalaki nito ang buhay at naging bokasyon ni St. John Mary Vianney na syang halimbawa ng tunay na pastor at puno ng pagpupuri para sa mga Pari.
Dagdag pa ng arsobispo, nawa’y maging katulad ang bawat isa sa atin ni St. John Vianney na may kaluluwa na may pagmamahal sa Diyos.
Isinagawa din ang renewal of priestly promises na syang nagpapatibay muli sa naging pangako ng mga pari ng DCC para sa Diyos at Simbahan kasabay ang pagpapaalala ng DCC sa kanilang mithiin at tuntunin na syang itinuturing na pivotal moment of reflection para sa kanilang tunay na intention at misyon bilang Diocesan Clergy sa Cotabato.