Isinagawa ng Kidapawan City Government ang Vibe Run na may temang Takbo para sa mga Servant Heroes bilang bahagi ng selebrasyon ng 124th Philippine Civil Service Anniversary.

Nakibahagi sa naging vibe run ang mga kawani ng City LGU sa pangunguna ng City HR at City Sports. Una na munang isinagawa ang Zumba exercise activity bago ang karerahan.

Sa mensahe na pinaabot ni Acting City Administrator Janice Garcia, sinabi nito na malaki ang pasasalamat nito sa mga trabahante ng siyudad dahil sa ambag nito na mapabuti ang serbisyo sa mamamayan ng lungsod.

Maituturing din na bayani ang bawat kawani dahil sa naging dedikasyon nilang gawin ang kanilang mga tungkulin upang mapabuti ang buhay ng mga taga lungsod.

Nagtapos ang programa sa sabayang pagsayaw ng lahat ng trending tiktok dance na ikinaaliw naman ng mga partisipante.