Patay on the spot ang bise alkalde ng South Upi na si Vice Mayor Roldan Benito at kanyang escort matapos tambangan ito kahapon ng hapon sa Barangay Pandan sa kaparehas na bayan habang binabagtas nito ang daan pauwi sa bahay ayon kay Maguindanao del Sur Police Provincial Office Police Director Col. Roel Sermese.

Una nang sinabi ni South Upi Mayor Reynalbert Insular na tinambangan ang pangalawang punong bayan maging ang asawa at escort nito.

Sakay sila sa isang sasakyan ng maganap ang insidente kahapon ng hapon.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin sa krimen.