Iminungkahi ni Mr. PJ Arañador, consultant ng Iloilo para sa UNESCO Creative City, na ideklara bilang persona non grata ang vlogger na si Euleen “Yobab” Castro. Ito’y matapos ang kanyang negatibong komento sa Coffee Break, isang kilalang café sa lungsod.

Ayon kay Arañador, hindi dapat sinisira ang imahe ng mga lokal na negosyo, lalo’t bahagi ito ng kultura at turismo ng Iloilo. Gayunman, ipinagpaliban ng Sangguniang Panlungsod ang pagtalakay sa resolusyon dahil sa kakulangan ng endorsement slip.

Samantala, umani rin ng batikos online ang naging review ni Yobab, at umapela ang ilang netizens na maging responsable ang mga vlogger sa kanilang nilalaman.