Naglabas ng pahayag ng pagkundena sa di umano ay pambabastos ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa session hall ng Sangguniang Panglungsod si Vice Mayor Butch Abu.
Bagama’t di nakadalo kahapon si Abu sa sesyon, sa statement ay idinetalye nito ang diumano’y pambabastos ni Matabalao diumano ay sagradong lugar ng Sangguniang Panglungsod.
Wala nang konsehales sa loob ng session hall dahil maaga itong nag-adjourn ng sesyon ng dumating si Matabalao, nagpapresscon at nagpost sa kanyang social media account at ipinalabas aniya nito na ang natira na lamang aniya na konsehal na nasa session hall ay si Konsehal Popoy Formento.
Hindi lamang daw umano ito kawalan ng respeto kundi pagbalewala sa independensiya ng Sangguniang Panglungsod na syang co equal branch ng ehekutibo.
Aniya, ang mga taktika na ito ng panlilinlang daw diumano ni Matabalao ay hindi niya palalampasin at susuriin itong maigi kung ito ba ay lumalabag na sa Ethical Standards for Public Officials.
Binanatan din nito si Matabalao na aniya ay dating konsehal pero di alam ang rules o patakaran ng Sangguniang Panglungsod.
Sa huli, ani Abu, hindi aniya magpapatinag sa panghaharrass at panlilinlang ni Mayor Matabalao ang Sangguniang Panglungsod at ang mga bumubuo nito.