Nagtataka na naiiling si Cotabato City Vice Mayor Butch Abu ng matanong ito sa kanyang reaksyon hinggil sa pagkakatanggal ng higit kumulang na 3,000 na Contract of Service Employees ng LGU dahil sa kawalan ng aksyon ng Sangguniang Panlungsod hinggil sa mga pasahod nito.
Ayon kay Abu, nararapat lang na masagot ang tanong kung bakit wala silang pampasahod sa COS gayong kasama ito sa naaprubahan ng konsehong budget para sa 2024.
Ayon kay Abu, mahalaga aniya na malaman ng Sangguniang Panglungsod ang sagot ng opisina ni Mayor Bruce Matabalao hinggil dito.
Ito ay epekto na rin aniya ng hindi pagsipot ng ilan sa mga ipinapatawag ng Sangguniang Panglungsod upang maipaliwanag ang bagay hinggil dito.
Epektibo ngayong araw ng Miyerkules, October 16 ay tapos o paso na ang kontrata ng 3,000 mahigit na Contractual employees ng lungsod matapos na di na ito i-renew ng City LGU sa pangunguna ni Mayor Bruce Matabalao.