Humingi ng paumanhin si Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang naging tulong sa nakaraang eleksyon para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagbibigay-diin sa umano’y mga nabigong pangako at isyu ng katiwalian sa kasalukuyang administrasyon.
Ipinahayag din niya ang kanyang panghihinayang sa patuloy na suliranin ng bansa, kabilang ang mataas na presyo ng mga bilihin, kakulangan sa pagkain, at limitadong serbisyo sa kalusugan.
Ginawa ni VP Sara ang pahayag matapos niyang opisyal na ianunsyo noong Pebrero 18 ang kanyang kandidatura para sa pagkapangulo sa 2028, layuning maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

















