Umakyat na sa P7.47 milyon ang nagastos ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa.

Batay sa ulat ni Kelvin Gerome Tenido, hepe ng Budget Division ng Office of the Vice President (OVP), mula Hulyo 31 ay umabot na sa P20.68 milyon ang kabuuang nagastos ng tanggapan. Sa halagang ito, P13.21 milyon ang ginugol para sa mga local travels, habang P7.47 milyon naman ang inilaan sa international trips ng Bise Presidente.

Depensa naman ni Lemuel Ortonio, OVP assistant chief of staff, lahat ng biyahe ni Duterte ay may kumpletong dokumento at travel authority, at tiniyak niyang walang pondo ng gobyerno ang ginamit para rito.

Nakatakdang bumiyahe si VP Sara patungong Tokyo at Nagoya, Japan sa darating na Setyembre 20 at 21. Ito na ang kanyang ikalabintatlong foreign trip ngayong taon.