Walang balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magbitiw sa kanyang tungkulin, ayon sa Malacañang.

Kasunod ito ng kontrobersyal na pahayag ni Senator Imee Marcos tungkol umano sa paggamit ng droga ng pangulo. Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, ang mga panawagang ito ay nagmumula lamang sa mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte na umaasang siya ang hahalili.

Dagdag pa ni Castro, abala si Pangulong Marcos sa pagtatrabaho at nakatuon sa pagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng bansa.

Giit pa ng opisyal, ang nasabing alegasyon ni Sen. Imee ay matagal nang naipaliwanag at muling binanggit lamang dahil wala nang ibang isyung maipupukol laban sa pangulo.