Ipinabatid ng Cotabato Light and Power Company na walang nakatakdang power interruption o brownout sa kanilang buong franchise area sa darating na Linggo, Pebrero 22, 2026.

Sa inilabas na Customer Advisory ng kumpanya, tiniyak nito na mananatiling normal ang kanilang operasyon sa nasabing araw at maaasahan ng mga konsyumer ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa buong maghapon.

Hinikayat din ng Cotabato Light ang publiko na maging mapagmatyag at sumangguni lamang sa kanilang opisyal at beripikadong mga communication channels para sa tama at napapanahong impormasyon. Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng maling balita o hindi beripikadong anunsyo tungkol sa power interruption.

Dagdag pa ng kumpanya, nakaantabay ang kanilang mga technical team upang agarang tumugon sakaling magkaroon ng emergency o anumang hindi inaasahang pangyayari na maaaring makaapekto sa serbisyo ng kuryente.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Cotabato Light sa patuloy na tiwala at pakikipagtulungan ng kanilang mga customer.