Huli ang isang estafadora matapos arestuhin ng pinagsanib pwersa ng Parang PNP, MDN Police, Police Regional Office – BAR, 1st & 2nd Provincial Mobile Force Company sa bahagi ng Brgy. Making, Parang, Maguindanao Del Norte.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Jane Ilagan, 23 anyos, at residente ng Brgy. Sarmiento ng parehong bayan.

2 counts of estafa ang kinakaharap ng suspek at sa ngayon nakakulong sa Parang MPS.