Naaresto ng magkasanib na kapulisan at sundalo ang isang wanted na mataas na opisyal ng teroristang New Peoples Army o NPA na may patong-patong na kaso sa isang anti-terror operation sa siyudad ng Tagum kamakalawa.
Sa pahayag ni Army Major Alex Hambala na kumander ng 10th Infantry Division, nasa kustodya na ng PRO 11 ang naarestong opisyal na si Porferio Tuna Jr. Y Dianco na natunton sa Barangay Mankilam, Tagum City batay na rin sa impormasyon na binigay ng mga impormante sa lugar kung saan sya nagkukubli.
Si Tuna ay isang high ranking official ng NPA at sya ring second deputy secretary ng Southern Mindanao Regional Committee na ang mga namumuno rin ay may kinakaharap na kaso sa mga korte ng rehiyon 10,11 at 13.
Patong-patong na kaso mula multiple murder, tangkang pagpatay, panginginidnap, iligal na detenston at armed robbery ang kinasasangkutan ni Tuna at ngayon ay kaniya nang kakaharapin sa batas.