Naaresto ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Statutory Rape sa ikinasang manhunt operation sa Barangay Balas, Lamitan City, Basilan nitong Hulyo 2, 2025 bandang alas-5 ng hapon.

Kinilala ang suspek sa alyas na Pacho, 40 taong gulang, isang rubber tapper, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Alicia Municipal Police Station (MPS), matagumpay na isinagawa ang operasyon sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Alicia MPS, Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (PPO), Lamitan City Police, at ng PNP Special Action Force.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lamitan City PNP si alyas Pacho at nakatakdang ilipat sa Alicia MPS upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya sa korte.