Arestado ang isang 18-anyos na lalaki na wanted sa kasong murder sa isinagawang warrant of arrest operation nitong gabi ng Marso 19, 2026 sa Brgy. Villamonte, Lebak.

Kinilala ang suspek bilang si alias Boboy, isang magsasaka at residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat, pinangunahan ng Lebak Municipal Police Station ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Randy M. Eliarda, katuwang ang tracker team, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, at South Upi Municipal Police Station ng Maguindanao del Sur.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lebak MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ito iharap sa korte na naglabas ng warrant.

Samantala, muling nanawagan ang pulisya sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon upang mas mapabilis ang pagdakip sa mga wanted na indibidwal at maisulong ang hustisya.