Arestado ang isang wanted na suspek sa murder sa isang pinagsanib na operasyon kahapon, Marso 24, 2026, sa Barangay Kuden, Kulaman, Sultan Kudarat.
Kinilala ang suspek na si alias “Kikon,” 26 taong gulang, walang asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Villamonte, Lebak, Sultan Kudarat.
Ang operasyon ay isinagawa ng Lebak MPS sa pakikipagtulungan sa 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (SKPMFC) at South Upi Municipal Police Station, alinsunod sa Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang tinakdang piyansa.
Iginiit ng Lebak MPS ang kanilang patuloy na pagsisikap laban sa kriminalidad at tiniyak sa publiko ang tuloy-tuloy na operasyon upang mahuli ang mga wanted persons at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

















