Naisampa na ang mga kaso laban sa mga suspek sa pamamaril kay Michael Pusaka at apat pang iba sa Jose Lim Street, Poblacion 5, Cotabato City.‎‎

Kinumpirma ng Cotabato City Police Office na inihain ang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa ilalim ng Docket Numbers 2025-L-04708 hanggang 2025-L-04709 na may petsang Disyembre 1, 2025.‎‎

Sakop ng reklamo ang mga tinukoy na suspek at ilang John Does na umano’y sangkot sa insidente noong Setyembre 16, 2025 alas-10:05 ng umaga.‎‎

Ang mga dokumento ay pirmado at pinagtibay ni City Prosecutor Atty. Aliana Arnica A. Mambatao.‎‎Inaasahang maglalabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado batay sa evaluation ng ebidensya ng hukuman.‎‎

Patuloy namang nagsasagawa ng validation at follow-up investigation ang Police Station 1 upang matukoy ang pagkakakilanlan ng iba pang mga sangkot.‎‎

Tiniyak ng CCPO na kanilang paiiralin ang transparency, due process at paggalang sa batas habang hinihintay ang resolusyon ng piskalya.‎