Isang malaking karangalan para sa rehiyon ng BARMM ang pagkakasungkit ni Hameen Cabugatan Interino na mula pa sa Mindanao State University- Iligan Institute of Technology sa ikalawang pinakamataas na ranking sa katatapos na April 2025 Licensure Examinations for Civil Engineers.
Nagkamit si Interino ng 92.60% na passing rate.
Abril 28 at 29 taong kasalukuyan ng ganapin ang eksamen na nilahukan ng aabot sa 16,913 na mga eksaminee na mula pa sa ibat ibang paaralan at pamantasan sa bansa, tanging 4,940 lamang ang pumasa ayon sa inilabas na datos ng Professional Regulation Commission kahapon.
Nawa ay maging inspirasyon ang nakamit na karangalan at tagumpay ni Interino sa mga batang Bangsamoro na nagsusumikap na magpakita ng galing at husay at pagiging propesyonal at edukado sa lahat ng hinaharap na pagsubok at mga hamon.