Nagdulot ng takot sa mga residente ng Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan ang nakitang kalagayan ng ilang kabataan na kumikilos na parang “zombies” matapos silang manigarilyo ng isang hindi kilalang substansiya na tinawag na “tuklaw.”
Sa kumalat na video, makikitang tatlong kabataan ang nakaranas ng kombulsyon at pag-uga sa gilid ng kalsada.
Ayon sa mga awtoridad, bago pa man ito nangyari, nakita ang grupo na naninigarilyo. Ngunit hindi nagtagal—iba na ang kanilang kilos.
Dinala agad sa ospital ang mga biktima upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
Batay sa ulat, ang “tuklaw” ay isang uri ng herbal na materyal na pinaniniwalaang nagmula pa sa Vietnam.
Hindi pa malinaw kung anong kemikal o sangkap ang nilalaman nito.