Nasabat ng mga operatiba ng Marine Battalion Landing Team-2 ang smuggled na sigarilyong tinatayang nagkakahalaga ng ₱17 milyon sa bayan ng Barira, Maguindanao del Norte.
Ayon sa ulat, naharang ang isang dump truck sa Lamin Detachment sa Sitio Kalilangan, Barangay Lamin. Nang inspeksyunin ng mga awtoridad, nadiskubre ang malaking bulto ng smuggled na sigarilyo na tangkang ipuslit ng dalawang indibidwal.
Agad na inaresto ang dalawang suspek at nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad, kabilang na rin ang nasabat na kargamento para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon.