Nabigo ang tangkang pagpupuslit ng mahigit ₱27 milyong halaga ng hinihinalang droga matapos itong masabat ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sa isang operasyon na isinagawa noong Pebrero 19, 2026, naharang ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng BOC–NAIA ang tinatayang 4,008 gramo ng methamphetamine hydrochloride na may kabuuang halagang ₱27,254,400. Ang ilegal na droga ay nadiskubre sa loob ng hand-carry baggage ng isang Australian national na bagong dating sa bansa.
Agad na inaresto ang dayuhan dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















