Isang 17-anyos na Grade 11 na estudyante ang inaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Tabuc Suba, La Paz, Iloilo City noong gabi ng Setyembre 27, kung saan nasamsam ang higit ₱2 milyon halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang suspek sa alyas na Emok, na nahuli malapit sa kanyang tirahan sa Ledesco Village matapos umano itong magbenta ng isang sachet ng shabu sa halagang ₱13,000 sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer.
Pinangunahan ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU)-6, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Group Special Operations Unit (PDEGSOU), Regional Intelligence Division (RID)-6, at Iloilo City Police Station 2.