Matagumpay na naisagawa ang isang buy-bust operation kahapon Marso 23, 2026, bandang 2:40 ng hapon sa National Highway, Brgy. Kauran, Ampatuan. Katuwang ang iba’t ibang joint operating units kabilang ang Ampatuan MPS, PDEA MDN, PDEA MDS, PDEA LIU, PIU, MDSPPO, OFC PMFC MDSPPO, RDEU, BAR, PDEU MDS PPO, 2nd MP PMFC, at Charlie Company, 90IB, 6ID ng Philippine Army.
Naaresto ang dalawang suspek na nakilala lamang bilang Norton at Dats matapos mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa mga operatibo.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 500 gramo o kalahating kilo ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na may karaniwang halaga na ₱3,400,000, kasama ang buy-bust money, mga mobile phone, at iba pang ebidensya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

















