Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng ₱70.8 milyon sa isang buy-bust operation sa Beachside Hotel, Barangay Pasiagan, Bongao, Tawi-Tawi nitong Enero 26, 2026.

Arestado sa operasyon ang dalawang suspek na sangkot sa ilegal na bentahan ng droga: isang Malaysian national na kilala bilang “Alias Chomen” at isang dating SK Chairman ng Barangay Tubig-Boh na alyas “Alias Jerry.”

Nakumpiska sa operasyon ang apat na vacuum-sealed na plastic bag ng dried marijuana kush na tinatayang isang kilo para sa bentahan, 135 vacuum-sealed na plastic bag ng fully grown dried marijuana stalks at leaves na may fruiting tops na tinatayang 33.75 kilo, at 50 vacuum-sealed na plastic bag ng dried marijuana kush na tinatayang 25 kilo, na lahat ay pag-aari ng mga suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bongao Municipal Police Station ang mga suspek habang naghihintay ng inquest proceedings kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Photos from PDEA-BARMM