Umabot sa 120 expectant mothers ang nakinabang sa isinagawang “Buntis Congress 2026” ng Provincial Government of Maguindanao del Norte sa Provincial Gymnasium sa bayan ng Sultan Kudarat noong Mayo 5.
Pinangunahan ng administrasyon ni MagNorte Governor Datu Tucao Mastura, sa pamamagitan ni Shajida Mastura at katuwang ang Provincial Nutrition Office, ang pamamahagi ng Buntis Kits, tig-limang kilong bigas, at grocery packs para sa mga buntis na residente.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng programa na suportahan ang kalusugan ng mga ina at matiyak ang ligtas at maayos na pagbubuntis ng mga benepisyaryo.
Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng maternal health programs bilang bahagi ng mas malawak na layunin na mapabuti ang kalusugan at kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Maguindanaon.

















