Tigok ang tatlong katao na binubuo ng dalawang guro at isang estudyante ng masangkot ito sa aksidente sa Barangay Crossing Rubber, Tupi sa South Cotabato, biyernes ng gabi sa kumpirmasyon ni Tupi MDRMMO Emil Sumagaysay.
Kinilala ang mga biktimang guro na si Rezile Joy Pareñas, 28 na taga Surallah at ang estudyanteng si Jonaira Ambaco, 24 at criminology major na taga Tboli.
Hindi na umabot sa buhay ang mga ito sa ospital ayon kay Sumagaysay.
Kinumpirma din ni Sumagaysay na patay na din ang kasama nilang si Glykiel Jade Bico na taga Koronadal ng makita ito sa damuhan sa tabing daan.
Base sa imbestigasyon, head on collision sa pagitan ng motor at ng Hilux van ang dahilan ng aksidente matapos na pumihit umano ng kabilang lane ng highway ang motor.
Sa lakas ng impact ng pagbangga, nagtamo ang tatlo ng head injuries sanhi ng kanilang kamatayan.
Ang driver naman ng Hilux na kinilalang si Anthony Teloren ay sumuko sa Tupi PNP matapos ang aksidente.
Guro at estudyante ang tatlo sa SEAIT o South East Asian Institute ng nasabing bayan.