‎Muling nasungkit ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy–Lanao del Sur ang Unmodified Opinion mula sa Commission on Audit o COA-BARMM para sa taong 2025.
‎
‎Ito na ang ikalawang sunod na taon na nakamit ng ahensya ang pinakamataas na audit rating matapos ang una nitong tagumpay noong 2024.
‎
‎Ayon sa ulat, patunay ito ng maayos, tapat at transparent na paggamit ng pondo ng bayan ng naturang tanggapan.
‎
‎Matatandaang unang nakapagtala ng clean audit opinion ang MENRE-Lanao del Sur noong 2024 sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director Asmarie M. Labao.
‎
‎Pormal na inihayag ang pinakahuling pagkilala sa ginanap na exit conference noong Pebrero 26, 2026 at natanggap ang opisyal na audit report noong Marso 3, 2026.
‎
‎Ang Unmodified Opinion ay ibinibigay kapag ang financial records ng isang ahensya ay tama, kumpleto at sumusunod sa pamantayan ng COA.
‎
‎Nagpasalamat naman si Labao sa buong hanay ng MENRE-Lanao del Sur at sa mga katuwang na auditor sa patuloy na tagumpay ng ahensya.
‎
‎Kasabay nito, tiniyak ng MENRE-Lanao del Sur ang pagpapatuloy ng kanilang mga programa sa pangangalaga ng kalikasan at maayos na pamamahala sa Bangsamoro region.