Inaresto ng mga awtoridad ang isang 21-anyos na lalaking kinilala sa alyas na “Ting” matapos itong ireklamo ng dalawang babae na palihim niyang kinunan ng larawan at video habang naliligo.
Kasalukuyan nang inihahanda ng Women and Children Protection Desk ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act (RA 9995).
Kaugnay nito, nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na igalang ang privacy at dignidad ng bawat isa. Nanawagan din silang isumbong agad ang anumang uri ng harassment o pang-aabuso upang maprotektahan ang kapwa at mapanagot ang mga kriminal.

















