Pormal nang naging kasapi ng Bangsamoro Federalist Party (BFP), ang pinakabagong regional parliamentary political party sa BARMM, ang mga miyembro ng 2nd District BLGU at Base Commanders ng Basilan matapos ang isinagawang Orientation and Oathtaking Ceremony sa Alnor Convention Center, Haraya Function Hall, noong Sabado, Hulyo 4.

Kabuuang 105 kalahok ang nanumpa sa pangunguna ni MP Dr. Tomanda Antok, kasama sina MP Dan Asnawie at BFP Women’s Sectoral Wing First Nominee Jehan Usop.

Sa kanilang mensahe, ipinahayag nina Asnawie at Usop ang kanilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng Bangsamoro Federalist Party at sa pagsusulong ng mga layunin at adbokasiya nito para sa Bangsamoro.

Ayon sa BFP, muling pinagtibay ng nasabing aktibidad ang layunin ng partido na palawakin ang pagkakaisa, patatagin ang pamumuno sa mga komunidad, at isulong ang mabuting pamamahala at makabuluhang serbisyo para sa mamamayang Bangsamoro.