Tatlong istruktura ang nasunog sa isang establisimyentong pangkalakalan sa Gov. Gutierrez Avenue, Purok 1, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City ngayong araw, Setyembre 7, 2026.

Ayon sa Cotabato City Fire Station-BARMM, tinatayang nasa 300 square meters ang lawak ng lugar na naapektuhan ng sunog.

Agad na rumesponde ang mga bombero at nagsagawa ng firefighting at fire suppression operations upang mapigilan ang pagkalat ng apoy sa mga kalapit na istruktura.

Patuloy namang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala.