Tatlong fishing boat ang napinsala matapos sumiklab ang apoy sa isang tuna fishing vessel na nakadaong sa MGTR Citra Compound sa Barangay Tambler, General Santos City, kahapon, July 1.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsimula ang insidente sa isang fishing boat bago mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang dalawa pang katabing sasakyang-pandagat.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero at rescue teams upang makontrol ang sunog. Tuluyan itong naapula bandang alas-3:18 ng hapon, kaya napigilan ang mas malawak pang pinsala sa lugar.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog, habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng insidente.

















