Arestado ang mag-asawa at isa pang lalaki kaugnay ng pagnanakaw ng isang payong-payong at umano’y seksuwal na pang-aabuso sa isang 13-anyos na dalagita sa Maguindanao del Norte.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi noong Oktubre 21, 2026, sa Barangay Kakar, Datu Odin Sinsuat. Nagtungo noon ang biktima sa isang water-refilling station upang kumuha ng inuming tubig gamit ang payong-payong.

Ayon sa imbestigasyon, nakisakay umano si alyas Mokay, kasama ang kaniyang asawa at anak. Gayunman, hindi na nakauwi ang dalagita at ang motorsiklo.

Natagpuan ang biktima sa Barangay Nangi, Upi, kung saan umano siya itinago ni alyas Jr sa kaniyang tirahan at doon seksuwal na inabuso.

Ayon sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, naaresto ang mag-asawa sa Datu Odin Sinsuat, habang nadakip naman si alyas Jr sa Upi. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.