Apat na katao ang kumpirmadong nasawi matapos bumagsak ang isang pribadong eroplano sa Sitio Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur ngayong hapon, bandang alas-2.

Ayon sa imbestigasyon ng Ampatuan Municipal Police Station (MPS), dalawa sa mga nasawi ay mga dayuhang mamamayan.

Sa panayam ng Star FM Cotabato sa mga awtoridad, inilarawan nilang “brutal” ang sinapit ng mga biktima.

Hinihinalang tumalon mula sa eroplano ang ilan sa kanila bago pa ito tuluyang bumagsak.

Wala namang nadamay na residente sa insidente, ngunit isang kalabaw ang naapektuhan. Natagpuan itong may matinding pinsala at natanggal pa ang nguso nito dahil sa impact ng pagbagsak ng eroplano.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng trahedya.
Hindi pa rin natutukoy kung ano ang naging problema ng eroplano bago ito bumagsak.

Patuloy rin ang retrieval operation upang makuha ang lahat ng bahagi ng eroplano at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.